Sunday, December 31, 2006

At The End Of The Day

Six hours and thirty minutes before the New Year. I didn't have much time to post those bouncing things in my mind.
We had our first snow of the year early this month.

There had only been a few emails and some are from the job search sites. But those sites remembered my birthday so I thank the "matrix" it didn't miss my birthday.

And foods. Foods are the main longing of my stomach. Back home I know they are preparing different foods for New Year's Eve.

This is my first Christmas and New Year abroad. I truly miss home.

Here are some pictures I randomly post.












Saturday, December 16, 2006

memory recall

Ano na kayang nangyari.... ?


--- kay Anna na siyang nagligtas sa akin nung grade 1 nang di ako makapagsulat ng ABC sa pad paper ko dahil sa takot sa payat at teror na teacher namin (siya din ang nanghiram ng harmonica na bigay sa akin ng tito kong abroad at di na niya sinoli). Nakita ni Anna ang gitla kong anyo kayat inagaw niya ang papel at mongol ko at kinumpleto ang seatwork. Mukhang mayaman siya at kumpleto sa school supplies. Natatandaan ko pa ang mukha nya pero nawala na siya nung grade two ako.


--- kina Renzer, Zerez at Noel na kasama kong kinulong ng mga adik na tinedyer sa balkonahe ng simbahan.


--- kay Armando na nauto akong bumili ng mga alagaing isda (yung red eye at sword fish).


--- sa tsinoy na si Herbert na parang bigboss ng buong klase hindi lang dahil sa siya ang pinakamatanda kund siya pa ang pinakamayaman. Naging best friend ko siya at hindi ko sigurado kung dahil ba sa dami ng libre nya sa akin o sa proteksyon laban sa mga bullies na estudyante.


--- kay Ate Marites na kasing edad yata ni Herbert. Siya naman ang all around side kick ni ma'am sa eskwela man o sa bahay. Kaklase namin siya nung grade six at magkalapit lang ang bahay namin pero di kami nagkikita.


--- kay Amor na unang babaeng nanantsing sa kin.


--- kay Jacqueline na may nunal sa pisngi at medyo madaldal sa klase.


--- kay Laarni na madaldal din pero mahina sa klase.


--- kay Nino na matalino lang yata dahil nakasuot ng salamin at sabi ng nanay nya na teacher namin.


---kay Glenn na ganid pero di pwedeng isumbong dahil magiging teacher namin ang nanay nya sa susunod na grade.


--- yung isang nakalimutan ko na ang pangalan na tumulo ang sipon sa kaba habang sumasagot sa teacher. At nang pinagtawanan di sinasadyang lumobo ang kanyang sipon.


--- kay Louicris na siguro'y maganda na ngayon pero pinag initan noon ni ma'am dahil double "L" ang "Philippines" nya.


--- kay Tristan na pwedeng isama ng commercial ang UNICEF dahil parang isang bulate nalang ang pumipirma.


--- kay Marinela na crush ni Ramon (tumutulo din ang sipon nya) na nag abot ng card na may "i love you" sa akin na galing daw sa dating child star na nag aral sandali sa eskwelahan namin.


--- sa 1st honor na si Norman na nagturo sa kin na manghuli ng paru-puro at ilagay sa cover ng notebook para tumalino ako. Di ako nahirapan dahil nakapulot ako ng paru parong kamamatay pa lang at nilagay sa notebook ko. Siyempre hindi ako tumalino.


--- sa super tangkad na si Richard na katropa namin ni Herbert na pinahanga ako sa style sa mga tsiks.


--- kay John na unang nagkwento sa akin ng unang karanasan nya sa kapitbahay nila.


--- sa matabang si Armindale na sa murang edad na iyon ay ganap ng isang Darna.


--- kay Michael na doble ng timbang ni Armindale pero mas sexy pa maglakad sa kanya.


--- kay Romeo na lagi nalang may kulangot at ginawa akong abogado nung masangkot siya sa paninilip sa teacher namin nung hayskul.


--- at ano naman kayang iniisip nilang nangyari sa akin ngayon? Kung naiisip nila ako sana di nila inaalala ng tulad nito....