
Sa araw-araw na pag-iisa naalala kong bigla ang mga paborito kong superheroes noong bata pa ako. Sa isa sa mga libro (Paboritong Libro ni Hudas) ng paborito ko pa ring si Bob Ong tinalakay niya ang pagkakaiba ng mga superherong puti at superherong asyano. Nakakatuwa ang mga pagtatalakay na iyon at talaga namang makatotohan. Pero hindi sa pagkakaiba ng mga superheroes ang naiisip ko ngayon. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Shaider(siguro miss ko lang siya). Sa aking pagsasaliksik, siya ang ikatlo at pinakahuli sa uchuu keiji space sheriff trilogy noong 1984(Una ang Gavan noong 1982 at sumunod ang Sharivan noong 1983) na sumikat din hindi lang sa Japan at Pinas kundi sa France. Dito binase ang Saban's VR Troopers (yung may asong nagsasalita at medyo korni).
Si Shaider ay ang archeologist na si Dai Sawamura o Alexis (sa pinas) na nakatuklas ng mga figures sa Nazca. Siyempre napabilib niya ang Galactic Union Police kaya siya narecruit para maging ikatlong pulis pangkalawakan ng mundo para talunin muli ang tropa ni Great Emperor Kubilai o Fuuma Le-ar na natalo na rin ng naunang Shaider 12,000 ago. Kasama niya si Annie na pinasabog ni Fuuma ang home planet kaya narelocate siya sa Babylos (yung malaking eroplano na base ni Shaider. Yung maliit eh yung Sky Striker). Plano na namang sakupin ni Fuuma ang earth at kadalasan mga bata ang pinagtitripan niya. Palagay ko nga ay isip bata talaga siya dahil puno ng mga mascot ang kanyang kuta na kasamang sumasamba ng mga assistant niya tulad nila God Officer Poe (pero di kamag-anak ni FPJ) o Iga (yung babaeng sobrang tanda na raw at di pala tunay yung buhok) at Hessler (yung may ugat ugat na sumbrero at costume yata na medyo astig). Para sa kaalaman pa rin ng lahat siya yung gumanap na Red1 sa Bioman. Wala yata akong natuklasan kung ano talaga ang itsura ni Le-ar dahil palaging yung ulo lang na malaki ang nakikita ko noon na nganga ng nganga.
Talagang nakakabilib si Shaider dahil kahit gamitan siya ng time sapce warp ( ito yung camera trick na pinapalitan ang background na pinaglalabanan nila), natatalo pa rin yung mga monster ni Le-ar at isa lang ang ulap na nasa likod ni Shaider pagkapos niyang matalo ang kalaban. Hinahabol kaya siya ng ulap na iyon o favorite nya lang mag posing na yun ang background.
May giant monster din nga palang kalaban si Shaider pero bihira nyang gamitin ang robot nya (yung babylos din yun na nagtransform) dahil parang may tuberculosis ang porma. Madalas niyang pamatay sa kalabang monster (na wala din masyadong porma dahil parang higandeng uuod na matigas na may mukha pa rin ni Le-ar) ang babylos pa rin na nagiging higanteng baril pag sinigaw niya ang "Matrix Projection". Nagkakaroon kasi ng isang malaking projection ni Shaider na parang hawak yung malaking waterpistol na iyon. One shot lang yun lagi at tepok na yung kalaban.
Meron pa nga palang pananggulo sa labanan. Ito yung mga tumitira sa babylos na tatlong spacecraft na parang may gulong. Inaasinta lang din yun ng tatlong beses ni Shaider o ni Annie sa babylos at sabog na. Mahirap din ang papel ni Annie dahil walang beam na nagbababa o nagtataas sa kanila mula at papunta sa babylos kaya kailangan niyang lumudag papunta o palabas sa sasakyan. Natutuwa sa mga eksena na iyon ang mga nagbibinata dahil naka mini skirt lang si Annie. Kaya ko nga siya natatandaan eh. Walang makapagsabi kung ano na nangyari kila Shaider at Annie. Maaaring nagkadebelopan sila at naging mag-asawa at nag-resign na sa pagiging police pangkalawakan para mag concentrate sa pagpapamilya.
Nauna naman sa Shaider ang Bioman. Sila ang team ng mga taong descendants ng limang sinabuyan ni Peebo (yung robot na kamag-anak ni C3-PO ng Starwars) ng bioparticles ilang siglo na ang nakalilipas. Ito ay dahil nagsisimula ng sakupin ni Dr. Kageyama o Doctorman ang Earth. Pero na train na nga sila red1, green2, blue3, yellow4 at pink5 bilang mga biomen kaya bigo ang long hair na cyborg. Di tulad ng Shaider, english-speaking ang mga biomen. Si Shirou Gou o Red1 ang idol ko dahil seryoso siya sa trabaho. Siya ang unang pililoto ng unang Japanese Space Shuttle. Si Shingo Takasugi o green2 ay race car driver at si Ryuta Nanbara o blue3 ay watersportsman. si Mika Koizumi o yellow4 naman ay photographer na napatay ng kalaban. Di ko alam kung bakit pinatay ang character niya dahil ok naman. Di kaya na pirate din ng kabilang estasyon kaya ginawa sa story line yun. pero napalitan siya agad ni Jun Yabuki na magaling pumana at naka mini din pero parang di nagpapalit ng damit. Crush ng lahat ng batang lalaki si pink5 pati ako. Kabisado ko pa ang chorio nila na required nga yata para ma activate ang mga powers nila. Bukod pa dyan tatambling sila sa ere at magpapakilala para siguro sa mga preschoolers na di pa kabisado ang mga kulay. Panlaban nila sa mechagaigan ni Doctorman ang biorobo na galing sa dalawang nagbuong eroplano. yung isa sakay sila green2,blue3 at yellow4. Yung isa naman operated nila red1 at pink5 (uuyyyy!). Maganda ang ending ng bioman dahil natalo ang kalaban at di nagpareplay replay ang episode.
Merong mga sumunod sa bioman at shaider. Ilan sa kanila ay ang maskman,jetman,turboman,mask rider black, machineman at janperson. Lahat sila japanese na marunong magtagalog o baka anak ng japayuki. Sumunod ang mga fil-ams. Yung Power Rangers na dumami ng dumami. Parang pagkain na iba iba ang flavors. Wala na kong matandaan pero nakakamiss nga talaga sila.