Monday, May 22, 2006
hikab at sinigang
Akalain mong alas dyes na pala. Ang tagal matapos ng night shift. Ang tagal pala ng dalawang linggo pag nagtatrabaho ka. Ang bilis pag bakasyon ka. Habang sinusulat ko ito pumipikit na ang isang mata ko. Natutukso na akong baliin ang nakikita kong toothpick at itukod sa mga talukap ng mata ko. "Sige na kunin mo ako! tatanggalin ko ang antok mo", imahinasyon ko habang parang may daliring nang aakit ang toothpick na iyon. Pero kailangan kong tapusin ang sinusulat kong ito. Kung hindi, eh ok lang naman. Gusto ko lang tapusin.Habang sinusulat ko pa rin ito, nakalimutan ko palang ipasok sa refrigerator ko ang niluto kong sinigang na sugpo. Isang banda ng kangkong lang naman at apat na nagmumurang kamatis ang gulay nito. Inisa ko na sa isang sachet ng flavoring powder ang lasa nito dahil nakaimbento na ang mga nutritionist (o tsamba lang) ng magpapabibilis ng proseso ng pagluluto ng mga mangmang sa pagluluto dahil minaster ang pagkain lamang. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakapagluto ka. Ay di ko pa pala nalagay yung hipon...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment